11. July 2015

The Breakup Playlist Memorable Lines

015b6ff1f.jpg

 

The movie was ok for me. The narration of how Gino and Trixie met was kilig but the end part of the movie was a so-so for me. I dont know but after 3years of pain because ego and betrayal magbabalikan agad? as in agad agad? Bitter lang siguro but if nasa position ako ni Trixie and nahuli kita with other woman… Nako iba un, but for whats is worth madaming tagos na linya sa movie. This are some of the memorable lines from the movie that I like.

 

Trixie: Kailan ka pa naging concerned sa iba? Paalala ko lang sa ‘yo ha, wala ka na sa buhay ko. Kung kailangan ko ng tulong mo, hihingin ko. Pero kung hindi ko hinihingi, huwag mo ibigay ng kusa kasi ibig sabihin no’n, kaya ko. Kaya ko sarili ko. Nakaya ko ng wala ka tatlong taon na.

Trixie: Oo sige! Mahal pa rin kita! Mahal pa rin kita! Pero ano ginawa mo sa ‘kin? Pinatay mo lang ako, e! Pinatay mo lang ako! Alam mo, do me a favor? Huwag mo na akong patayin ulit!

Trixie: Di mo ko mahal Gino. Ang mahal mo lang yung sarili mo. Kasi kung totoong mahal mo ko, magiging masaya ka para sa ‘kin.

Trixie: Hindi pa ba obvious sa ‘yo kung paano mo ako trinato dahil sa ego mo?”

Trixie: Hindi naman yung reglo yung problema dito, e. Alam mo hindi lahat ng bagay ikaw yung may alam ng solusyon.

Trixie: O sige, mabuti nga magbilangan na tayo, para malaman mo, mapansin mo man lang, sa ating dalawa sana magbigay ka naman. Huwag ka lang puro tanggap ng tanggap, mahal kita pero nakakapagod na!

Cathy: Talaga Trixie? Yun ba talaga yung gusto mo? Makalimot? Alam mo sa tingin ko hindi mangyayari yun. Alam mo, sa tingin ko, kailangan mong magpatawad. Hindi para sa kanya ha. Kundi para sa sarili mo. Kasi hangga’t hindi ka nagpapatawad, andun ka lang sa past, sa part ng buhay mo na masakit. Isipin mo umiikot yung mundo, tapos ikaw asan ka? Andiyan ka pa rin.

Trixie: Minsan talaga, may mga taong darating lang sa buhay natin hindi para mag-stay, kundi para iwan ka lang din, para may matutunan ka. Para patayin ka lang. Pero nasa sa ‘yo yun kung hahayaan mong patayin niya lahat ng masaya sa ‘yo. O gagamitin mo yung sakit na yun para masabi mo sa sarili mo na ‘Kaya ko ‘to, nasaktan mo lang ako pero hindi mo ko napatay.’ O minsan, ‘pag sineswerte ka, pwede siyang bumalik sa buhay mo. Pero meron, meron nang pangako sa sarili mo na sa susunod na magmahal ka uli, hindi na ganun kasakit.

Trixie: The key is to sing with all sincerity from your heart. As goes with all other things, if you do things from your heart, it will be nothing short of beautiful.

Trixie: I love you too, saka thank you. Sobrang thank you dahil tinupad mo yung pangarap ko.

Trixie: Sana gano’n kadaling makalimot, pero ang hirap pala, lalo na ‘pag siya yung pangarap mo. Yung pangarap mo na matagal mong pinagkatiwalaan, yung pinaniwala ka na ito na, nahanap mo na siya. Yung magpapasaya sa ‘yo, yung hindi ka sasaktan. Pag-aalayan mo ng mga kanta mo, ng buhay mo. Paano mo makakalimutan yung gano’n.

Gino: Sa dulo ng lahat ng ito, may nakikita ako, hindi ikaw, hindi rin ako… Tayo.

Gino: Sabihin mo sa composer mo [Trixie], hindi lahat ng nasa puso niya, kailangang kantahin at iparinig sa lahat. Minsan kailangan sabihin ng harapan, hindi nakatago sa likod ng kanta.

Gino: Sa susunod, kung may gusto ka sabihin, sabihin mo nang harapan hindi yung dinadaan mo sa kanta.

Gino: I love you too mo lang, okay na ‘ko. Pero thank you rin and I promise you, we will always be “Pares.”

Gino: Mula ngayon sa araw-araw na kasama kita, araw-araw ko rin iisipin na I’m a failure. Kasi ‘yon ang pinaramdam mo sa akin. You make me feel like a failure.ino:

Gino: Sorry ako nang sorry pero hindi ko alam bakit parang lalo ko siyang nasasaktan?

Gino: Siya ang lucky charm ko. Mahal na mahal ko ‘to eh

Gino: Alam mo ba kung ga’no kahirap na nasa isang banda tayo, pero para sa lahat, ikaw ang magaling?

Gino: Ikaw ‘yung tipo ng babaeng pinapakasalan.

Gino: Do me a favor. Umalis ka na rin sa buhay ko!



No comments yet.

Add a comment

Following tags are allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

CommentLuv badge

Your Ad Here

iTeleCenter (COA Network)

Tags